125 WAGE HIKE

PROBLEMATIC KAHIT BAGONG SWELDO
KULANG NA KULANG LANG ANG SINASAHOD
‘YAN ANG MARIRINIG NA REKLAMO
NG MGA MANGGAGAWANG KATULAD MO

KAHIT NA ANONG GAWING DISKARTE
KAYOD KABAYO LA PA RING MANGYARI
WALANG KAYANG BILHIN SA PALENGKE
TUYO ADOBONG NOODLES NA LANG LAGI

MARAMING BABAYARAN (AY-AY-AY-AY)
KALTAS SA MGA UTANG (AY-AY-AY-AY)
PASAHE KURYENTE TUBIG (AY-AY-AY-AY)
LISTAHAN SA TINDAHAN (AY-AY-AY-AY)
ARAW GABI NAGPAPAGOD (AY-AY-AY-AY)
NANGINGINIG NA ITONG TUHOD
KAILANGANG IPAGLABAN DAGDAG SAHOD

KORO:
SIENTO BENTE SINGKO
ITAAS ANG SAHOD
ACROSS THE BOARD

SOBRANG PAHIRAP NG ATING GOBYERNO
TAONG BAYAN GINIGIPIT NG TODO
DAHIL BUDGET DEFICIT LUMULOBO
PAPAPASAN SA ‘TING LAHAT ANG PERWISYO

TATAAS ANG PRESYO NG KRUDO (AY-AY-AY-AY)
TATAAS ANG SINGIL SA SERBISYO (AY-AY-AY-AY)
TATAAS ANG SINGIL SA KURYENTE (AY-AY-AY-AY)
TUITION FEE NG MGA ESTUDYANTE (AY-AY-AY-AY)

DADAGDAGAN ANG TAAS NG BABAYARAN
DADAGDAGAN PASAN NG TAONG BAYAN
HABANG ANG SAHOD MANGGAGAWA
WALANG DAGDAG, NANANATILING MABABA

KUMILOS NA, KAIBIGAN KO
MAMAMAYAN SAMA-SAMA TAYO
KAILANGAN IPAGLABAN DAGDAG SWELDO

KORO (6X)

SIENTO BENTE SINGKO (3X)

1-2-5 NOW!

Advertisements
This entry was posted in songs and tagged , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s