Migranteng Pilipino
Nagkanta: Lei Garcia
anong klaseng bayani ang iyong sinasabi?
sa dyaryo at tv pinagmamalaki
di namin kailangang tawaging ganito
di namin kailangang ng papuri ninyo
kailangan namin ay respeto
kailangan namin ay respeto bilang tao
anong klaseng bayani ang iyong sinasabi?
yaon bang dumaranas ng lungkot at hirap
sa ibayong dagat, sa dayuhang amo?
ang mga tulad ko ay minamaltrato
kailangan nami’y katarungan
ngunit hanggang ngayo’y nagbubulagbulagan
kayong naririyan sa pamahalaan
maglingkod kayo
mga walang pakialam
sa aming paggawa ay nakikinabang
anong klaseng bayani ang inyong sinasabi?
kayong mga sanhi ng aming pagkaapi
tigilan na ninyo ang pagkukunwari
at kami’y hindi na palolokong muli
natutuo na kaming lumaban
matututo pa kaming lumaban
NGUNIT HANGGANG NGAYO’Y NAGBUBULAG-BULAGAN
KAYONG NARIRIYAN SA PAMAHALAAN
MAGHANDA NA KAYO
MGA WALANG PAKIALAM
MIGRANTENG PILIPINO NGAYO’Y LUMALABAN!
MIGRANTENG PILIPINO NGAYO’Y LUMALABAN!