Ay, Ay, Aping Manggagawa

Title: Ay, Ay, Aping Manggagawa
Performer: Tambisan sa Sining

Lyrics:

Ako’y manggagawa, Lina ang pangalan
Shifting ang trabaho sa aming pagawaan
Kung ika’y ma-assign sa shift na 10 to 6
‘Sang tasang kapeng matapang
Sa antok ay panlaban

Sahod na kakarampot ay hindi sapat
Sa pagkain at iba pang kailangan
Kulang pa ring pambayad sa mga utang
Kaya’t pambayad rito’y uutangin na namn

Koro
Ay, ay ang buhay ng aping manggagawa
Laging hahabol-habol sa bawat oras
Sa dikta ng ganid na amo sa pabrika
Para kaming robot na susunod-sunod

Saksakan ng init sa loob ng pabrika
Di maaasahan ang klinik ‘pag may sakit ka
Bubulyawan ka pa ng masungit na bisor
Paano ba naman maaayos ang trabaho

Ay, ay kailan magbabago ang kalagayan
Nating manggagawang oh kayhirap ng buhay
Ay, ay kailangan na tayong magkaisa
Atin nang likhain ang ating kapalaran

This entry was posted in songs and tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a comment